Paksa 7 | Anong makakapagsigla, makapangngilabot na mga pangakong ginawa ng Dios sa mga taong papasok sa Kanyang bagong kaharian?

Sagot:

A. Ang Panginoon, sa personal, ay mamumuhay na kasama nila. (Apocalipsis 21:3).

B. Hindi kailan man sila ay iinipin. Mayroong mga kagalakan magpakailan man. (Awit 16:11).

C. Wala nang kamatayan, sakit, mga luha, kalungkutan, mga karamdaman, mga hospitals, mga operasyon, trahedya, pagkabigo, gulo, gutom, o uhaw (Apocalipsis 21:4; Isaias 33:24; Isaias 65:23; Apocalipsis 7:16).

D. Hindi na sila mapapagod (Isaias 40:31).

E. Bawat taong maliligtas ay magiging ganap sa pisikal sa bawat paraan. Ang bingi ay makakarinig, ang bulag ay makakakita, ang pipi ay makakaawit, at ang pilay ay maaari nang makakatakbo. (Isaias 35:5, 6; Filipos 3:21).

F. “Paninibugho, duwag, kasinungalingan, inggit, karumihan, pangungutya, dumi, pag-alala, at lahat ng kasamaan ay magpakailan may sasarhan sa Kaharian ng Diyos (Apocalipsis 21:8, 27; 22:15). ang mga tao ay hindi na mabibigatan sa kanilang mga pag-alala at mga pag-aalaga na maghatid sa kanila sa pagambala. Wala nang mga mababaliw. Ang panahon ay magiging walang hanggan, at ang panggigigpit at oras sa mundo ay magpakailna man na mawawala.