“Ang pinagsama nga ng Diyos, ay huwag papaghiwalayin ng tao” (Mateo 19:6). “Sinumang ihiwalay ang kanyang asawang babae, maliban sa pakikiapid ang dahilan, at mag-aasawa ng iba, ay nagkakasala ng pangangalunya” (Mateo 19:9). “Sapagka’t ang asawang babae ay itinali ng kautusan sa asawang lalakihabang ito ay nabubuhay” (Roma 7:2).

Sagot: Maliwanag ang Biblia. Ang itinalin ng kasal ay hindi maaaring paghiwalayin o sirain. Ang diborsyo ay mapapayagan lamang sa kaso ng pangangalunya. Ngunit hindi din ito kailangan, pinayagan lamang. Ang pagpapatawad ay higit na maganda kaysa sa diborsyo, kahit nsa sa kaso pa ng moral na pagbagsak. Ang kasal ay habang buhay. Itinalaga ito ng Diyos nang ginawa nya ang unang kasal sa Eden. Ang pag-iisip ng diborsyo bilang solusyon ay makakasira ng kahit-anong pagsasama. Ito ang isang rason kung bakit ito ang ipinatakaran ni Jesus. Ang diborsyo ay palaging nakakasira at hindi kailanman naging solusyon sa problema. Sa halip, ito ay gumagawa ng mas malaking problema, kaya hindi ito dapat na ikonsidera. Sira, bigo, ,malungkot, liko-likong buhay na halos na tiyak na susunod ay diborsyo, na kahit na ang pagtatagumpay sa buhay mismo ay madalas na hahadlangan. Itinatag ng Panginoon ang kasal upang bantayan ang kadalisayan ng tao at kasiyahan, upang mag bigay ng kanilang pangangailanagan, at upang pataasin ang kanilang pisikal, mental, at moral na likas. Ang pangako nito ay doon sa mga mas taimtim at magkakasamang obligasyon na kayang ipalagay ng tao. Madaling iisantabi ang resulta ng pagaalis ng sarili mula sa pabor at pagpapala ng Diyos.
