Ilang siglo na ang nakakaraan, sinulat ng Diyos ang Kaniyang mga Kautusan sa bato, at kailangan pa rin natin silang tuparin hanggang ngayon! Ito’y talagang totoo na ang paglabag sa anomang bahagi ng kautusan ng Diyos ay magdudulot ng mga negatibong resulta. Sa pagdami ng mga krimen sa mga siyudad, hindi ba’t nararapat na, upang magkaroon ng kapayapaan at kaligtasan, ay sundin natin ang mga batas ng bansa? Sa katunayan, parehong prinsipyo ang tumutukoy sa kautusan ng Diyos – ang Sampung Utos – sa ating mga buhay rin! Hindi sila sampung mungkahi, o sampung rekomendasyon, o sampung mga dakilang idea. At dahil napakarami ng mga mahahalagang dapat pagtuunan ng pansin, kailangan natin ng ilang minute upang seryosong maunawaan ang iyong mga tungkulin.