Ito’y hindi isang kwentong pambata – isang araw, ikaw ay makakalaya mula sa mga pasakit, gutom, pag-iisa, karahasan, at kaguluhan na sumisira sa mundo natin ngayon. Hindi ba’t kay gandang pakinggan ito? Ngunit hindi isang mapanghikayat na pinuno ng mundo ang magpapalaya sa iyo… hindi, Siya ay higit pang masmakapangyarihan kaysa sa ganyan! Si Jesus ay nalalapit nang dumating, ngunit mayroong napakaraming laganap na maling pakahulugan kung paano Siya darating. Kaya, paglaanan mo ng ilang minuto ito upang maunawaan ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa ikalawang pagparito upang hindi ka maiwan!