Paksa 16 | Paano ako makasisiguro ng isang dako sa dakila at maluwalhating kaharian na iyan?
“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya” (Apocalipsis 3:20). “Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan” (Apocalipsis 22:14). “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Datapuwa’t ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos” (Juan 1:12). “Nguni’t kung tayo’y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa’t isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (1 Juan 1:7).
Sagot: Ginawang malinaw ito ng Bibliya. Ito’y Simple lang. ibigay mo ang buhay mo kay Jesus para sa paglinis mula sa iyong kasalan. Kapag gagawin mo ito, bibigyan ka rin Niya ng kapangyarihan upang gawin ang Kanyang kaooban at iingatan ang Kanyang mga kautusan. Ibig sabihin, syempre, na iyong simulan ang mamuhay kagaya kung paano namuhay si Jesus at matagumpayan ang lahat ng kasalan. “Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako’y magiging Diyos niya, at siya’y magiging anak ko” (Apocalipsis 21:7). Sa madaling salita, ang isang tao ay handa para sa langit kapag ang langit ay nasa kanyang puso?