Paksa 5 | Ano ang nangyari sa langit bilang resulta ng kasalanan ni Lucifer?
“At mayroong pagbabaka sa langit. Si Miguel at ang kanyang mga anghel ay nakipagbaka laban sa dragon; at ang dragon at kanyang mga anghel ay nakipagbaka; ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit: At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya” (Revelation 12:7–9).
Sagot: Si Lucifer ay nanalo sa suporta ng one third na mga anghel (Revelation 12:3, 4) at naging dahilan ng rebolusyon sa langit. Walang mapagpilian ang Diyos kundi ang palabasin si Luicifer at ng kanyang mga anghel. Ito ang pinakamatinding digmaan, kailanman may pinaglabanan. Ang mithiin ni Lucifer ay agawin ang trono ng Diyos, kahit ito’y hahantung sa kamatayan (John 8:44).
Pagkatapos ng pagpaalis galing sa langit, si Lucifer ay tinawag na Satanas (kaaway) at ang Diablo (Ang Paninirang Puri), at ang kanyang mga anghel ay tinatawag na mga demonyo.