Paksa 11 | Papaano natin malalaman kung tayo nga ay nasa huling mga araw na sa kasaysayan ng mundo? Ang linaw na nagsasabi kung ano ang mangyayari sa mundo at sa mga naninirahan dito sa huling henerasyon?
“Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw; gayon din na man kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya’y malapit na, nasa mga pintuan nga. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa magaganap ang lahat ng mga bagay na ito” (Mateo 24:32–34).
Sagot: Ang Bibliya ay napakalinaw sa paksang ito. Ang mga palatandaan ay halos lahat na ay natupad. Hindi natin talaga nalalaman kung anong oras o araw ang pagbabalik ni Cristo (Mateo 24:36) ngunit tayo ay nakakasigurong tayo ang mga taong makakakita kay Jesus sa Kaniyang pagbabalik. Nangako ang Diyos na tatapusin Niya ang Kaniyang mga Gawain at bibilisan ang mga ito (Roma 9:28). Si Cristo ay babalik na sa mundong ito para sa Kaniyang bayan ay ito’y di na magtatagal. Handa ka na ba?